| HULI 04/15/08 |
[Apr. 15th, 2008|11:29 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | ... | ] |
Pano ba yan? Edi 'takits nalang sa kabila, mga pards! High Five! |
|
|
| 2nd to the last post: A Birthday Special. |
[Apr. 15th, 2008|07:35 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | t e t h e r | ] |
 Bente tres na ko hindi ko pa din alam kung tama bang lagyan ng "-" matapos ang salitang "Ika" at bago mag "bente". May mga bagay talagang hindi itinuturo sayo ng katandaan o mga bagay na nakakalimutan mo sa pagtanda. Kuha ito bago magtapos ang gabi ng Ika-13 ng Abril, surpresa sa set ng isang pelikulang nasa kalagitnaan na ang shooting. At bago yun, iiwan ko muna sa inyo ang isang litrato ng pamilyang lubog sa kahirapan ngayon. Pero magkaganoon man e nagawa parin nilang bumili ng pancit, spaghetti at cake na may nakalagay na "Happy Birthday Tita Donna". Presenting ang Pamilya Baltazar:  Mahal ko ang dalawang yan. <3
|
|
|
| Close kami ni Lina. |
[Apr. 14th, 2008|01:32 am] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | .... | ] |
 |  |  Dear Donalyn,
We noticed your birthday is coming up on 14 April 2008.
Warmest Birthday Wishes from all of us at JobStreet.com! On this occasion, we thank you for being a member of JobStreet.com
We wish you great success and happiness for the year ahead. Have a Wonderful Day, LiNa |  | 
 |  | | | P.S. Your resume shows 14 April 1985 as your date of birth. If the date is incorrect, please update your resume. You can also include new contact details, new skills, etc in your resume. Your MyJobStreet ID is: pinkbayawak@yahoo.com
To feedback, please click here. Do not reply to this computer-generated email. | |  | Copyright © 2007 JobStreet.com
Happy birthday ka dyan! Ulol Pakyu, bigyan mo ko ng trabaho! Whahahahaha! |
|
|
| dotcom |
[Apr. 7th, 2008|06:44 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | electric youth | ] | Nakakagago yung mga tanong sa jobstreet.com. Ako pa ginago nila e bawal ako gaguhin 'pag ganitong kulang ako sa tulog!
Q#1:
How did you handle your most challenging experience in your previous job?
A#1:
I cried inside a public C.R for about 10 minutes, and ate a spanish bread.
Q#2:
Why do you want to work in our company?
A#2:
Because i believe your company needs me.
Mablacklist kaya ako sa jobstreet? Pangarap kong makapagsulat sa lj habang lasing ako. Pero ganoon din ata ang epekto 'pag kulang ka sa tulog e 'no? |
|
|
| Galing Katipunan. |
[Apr. 7th, 2008|06:01 am] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | portishead | ] | Hindi ko maikakailang naiinitan ako, pero bakit hindi ako gaanong epektado? Si Dan muntikan nang magdugo ang ilong, si Nice nauwi sa matinding pagsusuka, si Direk Paul naman, mapula pa sa mantsa ng hotdog sa kanin na ibinaon ng isang grade 3 student sa kanyang field trip.
Dahil ba late ako ng anim na oras?
Alam mo sa palagay ko, pwedeng magliyab ang buhok mo kung titigil ka sa gitna ng tirik na araw bandang alas dos hanggang alas tres ng hapon, nang walang alisan a. At sakaling wala kang magawa sa buhay at feel mong subukan ang ekperimentong ito, siguraduhing may dala kang kawale, mantika at itlog para hindi sayang ang effort.
Gusto ko na sanang matulog, kaso ikaw na ang kumain ng limang beses sa isang araw (umagahan, tanghalian, miryenda, hapunan, miryeda ulit), tingnan ko lang kung dalawin ka ng antok.
Ang totoo niyan bukod sa tulog, hinihintay kong dumighay e. Sinubukan kong dumapa ng limang minuto, wala pa rin.
Ayan at masayang nagsasapatos na ang nanay ko, para sa kanyang morning walk. Si tatay may limang minuto nang ready. |
|
|
| Journal update: April 05, 2008 |
[Apr. 5th, 2008|02:16 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | avedaaahh... na naman... | ] | May nakapagsabi sa'kin dati na hindi siya na-i-impres sa mga makata. Dahil mas lango daw sila sa salita at hindi sa tunay nilang nararamdaman.
Sabi ko naman:
Watever!
20. Ipopost ko ang litratong ito dahil lilipad papunta kung sang bansa nanaman si John, at sa 16 pa ang balik niya. Absent siya sa birthday ko.
Dear John Torres, kung liligawan ba kita sasagutin mo ba ko? :D P.S: Ayaw ko nang mabasted. |
|
|
| pixelated prom date. |
[Apr. 2nd, 2008|11:03 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | lush | ] | Kung minsan mag-iinternet ka kahit wala ka naman talagang pupuntahan, at isa pa, alam mong kung manganangahas ka (na puntahan ang mga gusto mong puntahan) masasayang lang ang surf max mo't malamang kinabukasan mo pa mararating ito.
Kaya't magpapatalon-talon ka nalang sa blogs ng kung sino (?) Magbabasa't ihahalintulad ang araw-araw nila sa araw-araw mo.
Iniisip mong ikwento din ang buo mong maghapon, pero ano nga bang interesante sa maghapon mo? Humila't naghintay ka lang naman nang pagpanaog ng mga butiki sa semento.
Gusto mo sanang magsulat ng tula, pero nangako kang hindi na muna mangangahas hangat wala pang nagtuturo sayo ng "iskolar" na paraan. Dahil iyon ang gusto mo, yung may tamang sukat at tugma. Yung kulang nalang e gamitan ng ruler ang bawat pagitan ng mga salita. (Sawa ka na na puro puso lang, puro biglaang pitik at pag gising sa alas dos ng madaling araw)
Bigla mong maaalala ang alas dos ng madaling araw mo (may dalawang madaling araw na ang nakakaraan) kung saan:
Gumising ka sa isang panaginip na ayaw mong makalimutan.
- hindi ka na nagtagal ng muta
- susuray-suray kang nagsulat sa 'yong cellphone
- nag-save
- bumalik sa pagtulog.
- sinubukang dugtungan ang kinagisingang pananginip
Ngayon (sa mismong oras na ito) babalikan mo ang 'yong outbox at mababasa ang:
"kaw upo, terrace, diamond hikaw, lindol lakas, tanggal diamonds, hulog, naging stars, ilalim paa mo, kaw lipad, sama diamonds na stars."
Nakakabarok ang biglang paggising sa madaling araw, ano po? |
|
|
| Kailangan ko ng kopya. |
[Apr. 2nd, 2008|04:11 pm] |
 The obstructions - Leth must remake the film in Cuba (but with no set) with no shot longer than 12 frames, and he must answer the questions posed in the original film.
- Leth must remake the film in the worst place in the world but not show that place onscreen; additionally, Leth must play the role of "the man". The meal must be included but the woman is not to be included.
- Because Leth failed to complete task 2 perfectly, Von Trier punishes him, telling him to either remake the film in any way he chooses, or redo obstruction 2 in Bombay again.
- Leth must remake the film as an animation.
- The fifth obstruction is that Von Trier has already made the fifth version, but it must be credited as Leth's, and Leth must read a voiceover narration ostensibly from his own perspective but in fact written by Von Trier.
|
|
|
| Pretender na patweetums pa. |
[Apr. 1st, 2008|11:13 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | tech romance | ] |
Lalaki: Remember our talks 'bout serious art? Babae: Huh? When was that? Lalaki:Before all the sex talks. Babae:Talaga? Of course I remember it. Women pretend things like that. Yeah, what was I supposed to say? That I remember the wine in the park, and... us looking about the stars fading away as the sun came up!
-Celine (Before Sunset)
Pero ang sa'tin ay:
Makailang round trips sa banyo, ikaw habang ipinapaliwanag si Kundera, ako habang lasing at kumakamot ng ulo. |
|
|
| Gumaganti sa friendster comment ni mattCHOU. |
[Apr. 1st, 2008|07:20 pm] |
Sa susunod na makikita niyo sa TV ang patalastas ng SUPAHPAPALICIOUS (yung may mga interviews sa labas ng sinehan pagkatapos nilang panuorin ang isang pelikula)
Abangan ninyo yung dalawang segundo na xposure ng isang lalaking naka-jacket na printed at mahaba ang kulot na buhok. Hindi siya magsasalita, tamang itataas lang niya ang kamay niyang naka-aprob sign.
Perpek! |
|
|
| Ganito kapag masyado kang maraming gustong ikwento. |
[Mar. 29th, 2008|02:13 am] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | .... | ] | Kakagaling ko lang sa isang buong maghapon ng pagpupulbo kay Neil Ryan Sese at paghahawi ng fans ni John Manalo. Hindi ko tuloy napanuod ang guesting ni Cos sa PBB bilang isang italian interpreter.
Noong isang araw, matapos ang maghapong pagpupulbo kay Neil Ryan Sese at paghahawi ng fans ni John Manalo. Nakipagkita pa ko kina Nii at Cos dahil sa ilang oras na pagbisita ni Pinky dito sa Pinas. Umistarbucks kami sa Metrowalk. Alas seven na nang payapa akong maratay sa kama.
(Balik tayo sa:) Kanina sa kalagitnaan ng pagpupulbo kay Neil Ryan Sese (a.k.a kuya pogi) Biglang nabaling ang tingin ko kay Kaloy (yung lalaking kulot sa bidyo ng Sugarfree - Mariposa) nakatayo siya sa tapat ng TIMBOOKTU, nabasa ko yung "books for sale 60php" kaya hinintay kong mag-cut si Direk Paul at magkaroon ng panibagong set up. Ayun, awa ng Diyos bigla ngang sumigaw ng "cut!!" , at nakapag-uwi ako ng bagong libro.
(Isa pa:) Palagay ko (kasi) kailangan kong magkaroon ng librong isasabay sa pagbabasa ng KAFKA ON THE SHORE e. Masyado kasing matinik pa din ang epekto sa'kin ng Norwegian Wood. Kung hindi ako mag-tu-two time dein ko siya makakalimutan ng todo.
Sana maintindihan mo. P.S hindi ako "bubookera"
(Balik tayo sa:) Habang hindi busy sa paghahawi ng fans ni John Manalo, napagdiskitahan kong tawagan si Macy, (dahil siya ang numero unong fan nito) tapos ibinigay ko kay John ang phone for more... (pidopilya scenes)
Naghisterikal ang aking friend, ang lakas kung makatili "!!!!!!!!!!!" nakalimutan atang sakay siya sa bus.
(Eding dahil antok na ko:) Ngayong darating na linggo maghapong pupulbuhan ko na naman si Kuya Pogi at pagmamasdan ang dimples ng babaeng may apelyidong Romana. |
|
|
| Iskapo. |
[Mar. 25th, 2008|11:36 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | madonna | ] | Ayaw kong bumeach.
(siguro) Mas gusto kong maging buhangin,
papatangay ako sa alon na pwede akong dahlin sa pampang ng Batanes o sa loob ng trunks ng isang hunk (mas masaya kung ang hunk na ito ay may pangalang Piolo Pascual)
Ang sarap maglaho.
Tinatamad ako sa lahat ng bagay ngayon.
Naisip kong mag service crew sa Mcdo, para maiba naman. Tska mukhang ayus doon, pwede akong magnakaw ng isang hibla ng french fries tuwing malulungkot ako.
Gusto ko nang maglaho. Hindi naman ako magtatagal.
Dalawa, o hanggang apat na araw siguro (pwedeng madagdagan, depende).
Wala akong isasama. Kahit pangalan ko. . . . Kanina nalaman ko ang kaibahan ng suporta at tiwala. |
|
|
| Sibuyas. |
[Mar. 25th, 2008|05:30 am] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | Aveda | ] | Mababaw ang luha ko, umiiyak ako sa pinakamaliliit na bagay.
Dati tinamaan ako ng matinding kalungkutan, na hindi ko maituro kung saan nagmula. Basta bigla nalang akong naiyak habang naglalakad sa underpass patawid ng Lawton galing Letran. May matandang babae pang nagtanong sa'kin kung anong problema. Hinagulhulan ko lang siya nang malala, umiling-iling at saka lumakad palayo. Ganoon katindi.
Noong nakaraan naman inabutan ako sa bus. Madaling araw yon e, pagod ako't buong araw na walang nagtxt sa'kin. Kaya siguro nakadagdag sa pagsisenti, ayun iyak ulit.
Kanina naman, napagdiskitahan ng tatay kong ilabas yung kopya ng Cinema Paradiso.  Nitong mga nakaraang araw kasi, inaabutan ko siyang nangangalikot ng mga Dvds ko.
|
|
|
| St. friday. |
[Mar. 21st, 2008|11:23 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | mambo rat | ] | Habang karamihan sa inyo ay nagtitika o bumibeach. Kami (Ako, Mike at Pao) ay dalawang araw na nagbalot ng itlog. (Gawgaw, Dyaryo sa plastik eggs)
Sa Linggo kasi mabubuhay na daw ulit si Kristo at dahil dito may mga batang uutusang kulyan ang mga nawawalang itlog na itatago sa paligid ng The Fort.
Ang tawag ata dito: Raket (?)
|
|
|
| Letratatlo |
[Mar. 19th, 2008|11:56 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | Friday nite lovebite | ] |
Ezra: Why so serious Dwein?

TXT:
I understand, no band can play without the bassist.
REPLY:

Salvi Dali: Aha! the Bigote, yes, yes, you're my daugther nga!  |
|
|
| 'asan? |
[Mar. 12th, 2008|01:59 pm] |
"Nangyari ako at hindi ka tumingin."
- Napulot ko dito.
. . . Pagkat hindi nga naman natin hinahanap kung ano ang naririyan, gaya nang pag-alala natin sa mga lumisan at pagpapayong tuwing umuulan. |
|
|
| Episode VII : The makings of a Jedi Master. |
[Mar. 10th, 2008|11:09 am] |
Naniniwala akong i will bring balance to the force. Kailangan ko lang ng isang "JEDI MASTER" na kukonsintihin ang paniniwalang ito.
Magiging mahusay at masunurin naman akong "PADAWAN LEARNER" e. Katunayan exceptionally high ang aking midi-chlorian count. Nasa 25 o 30 ata.
PUNTO: Kapapanuod ko lang ng Episode 1 & 2 kahapon at ito ang unang dalawang STAR WARS experience ko.
( ANG GUSTO KO TALAGANG SABIHIN )
Sino bang naghahanap ng Jedi Apprentice diyan? |
|
|
| New arrival: 1-12 pwera sa: 11th a. b. c. d. |
[Mar. 9th, 2008|10:58 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | the life and death of Mr. Badmou | ] | Nitong mga nakaraang linggo, madalas akong gumigising sa piling ng tatlo hanggang limang lalaki.
Noong pinakahuli nagising ako sa amoy ng pintura at naalimpungatan sa isang kanta ng Radiohead na biglang naging Sharon Cuneta. Kung mananatili ang ganitong senaryo, palagay ko mahihirapan na talaga kong makitungo sa mga kapwa ko babae. Nabibilang nalang sa kamay ang mga babaeng nakasanayan o gamay ko. Mga kaibigang malalapit, wala pa siguro sampu at yung nasa labas ng sampung iyon, lahat sila parang isang french film na walang subtitles.
Isang Imbitasyon:  SINEMUSIKALYE 7pm, 14 March 2008, Friday / Remedios Circle, Malate, Manila The Cinema Committee of the National Comission for Culture and the Arts presents Sinemusikalye on 14 March, Friday, at 7 pm in Remedios Circle, Malate, with a massive new media audio-visual concert curated by Tengal with SABAW Art Projects.
|
|
|
| Karen who? |
[Mar. 4th, 2008|09:55 pm] |
| [ | Current Location |
| | still here | ] |
| [ | Current Music |
| | ... | ] | Ipinasa ko kay Gem(anaginip) ang isang script na may ganitong panimula:
Isinulat ko to ng wala talagang laman sa utak, may mga pumapasok lang na shots, frames at dialogue, hanggang sa unti-unting nagkaron ng boses o ng structure. Pero kung titignan ng husay, wala pa ding katiyakan yung boses o structure kasi wala naman siyang solid na conclusion. Hindi pa rin niya alam kung anong sasabihin sa inyo o kung may sasabihin nga ba siya. Tancha ko gusto lang ng magkwento as is, at hahayaan niyang ang audience nito ang magbigay kahulugan sa kanya o magbackstory’t pinagmulan.
O game! Pag-aksayahan mo naman ako ng panahon. Katay katay tayo, batubatuhan hanggang sa ikakaganda, atat na ko magshoot at magwaldas ng pera e.
Salamuch.
+"Karen"
|
|
|
| Ang puso ay namamayong pagkat ayaw niyang magkasipon |
[Mar. 4th, 2008|04:19 am] |
Bukas sa ganap na alas five ng hapon, uupo siya sa may veranda, magkakape't magtatapyas ng kuko hangang alas five & kwarenta'y otcho. Bandang alas six, maiinip na siya't bahagyang magta-tantrums. (Kaya't) Ilalabas niya ang kanyang maliit na TV, ipipihit sa istansyon ng MYX at mag-aabang sa music video ni Rick Price.
Parang !kaw | Kahawig mo | Naaalala kita dito:

Ngayon sa ganap na alas four ng madaling a.m, may babaeng inaalala kung paano gumalaw ang paa ng isang lalaking mahimbing na natutulog. Iniisip niya kung anong panaginip meron ito at kung doon ba'y naglalaro siya ng piko at tats ball (?) |
|
|